Photo courtesy by Ruel Abajero

Dahil sa mahigit tatlong araw nang tuluy-tuloy na pag-ulan ng malalakas, tuluyan nang lumubog sa baha ang spillway sa isang barangay sa bayan ng Tigaon sa Camarines Sur.

Pahirapan na sa pagtawid ang mga residente sa daan malapit sa spillway ng Barangay Tinawagan sa Tigaon.

R. Abajero
Apektado na ang kabuhayan ng mga residente dahil hindi na nila maitatawid patungo sa bayan ang kanilang mga produkto dahil sa malakas na agos ng tubig-baha sa daan patungo pamilihang-bayan.

Buwis-buhay ang mga nangahas na tumawid sa gilid ng nag-uumapaw na spillway.

Nangangamba ang mga taga-barangay Tinawagan na lalala pa ang pagbaha dahil sa parating na bagyong. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News