Isang 10-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos na malunod sa isang ilog sa Dasmariñas, Cavite.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Martes, kinilala ang biktima na si Janjan Quizon, na huling nakitang naglalaro sa isang breakwater bago mangyari ang insidente.

May labinglimang talampakan ang lalim ng ilog, at umabot ng dalawang oras ang paghahanap sa biktima.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang bata. —Jamil Santos/NB, GMA News