Dalawang suspek na plano daw pagpalimusin and dinukot umano nilang tatlong-anyos na batang babae ang inaresto ng mga pulis sa magkahiwalay na operasyon sa Las Piñas at Cavite nitong Miyekoles ng umaga.
Kinilala ang mga suspek sa pagtangay kay Princess Louisana Bumatay na sina Giselle Omayan at Cerio Cinolete.
Si Bumatay ay dinukot sa Barangay Daniel Fajardo sa Las Piñas City noong gabi ng December 30 ngunit naidulog lamang sa mga pulis nitong January 2.
Ayon kay Southern Police District head Chief Superintendent Tomas Apolinario, naunang naaresto si Omayan sa Zapote, Las Piñas.
“After interrogation she admitted to the crime and divulged the name of her cohort and their location in Cavite leading to the arrest of the other suspect and the recovery of the missing minor,” sabi ni Apolinario.
Ayon kay Apolinario, nais sanang ipatubos sa mga magulang ang bata ngunit wala daw pambayad ang mga ito.
Nagpasya daw ang ang mga suspek na gawing pulubi ang bata sa Cavite.
"Walang ipantutubos 'yung magulang at parehong jobless. Sa Cavite gagawin mamamalimos 'yung bata," he said. —NB, GMA News
