LOOK: Umanoy nagnakaw ng gold-plated urn sa Manila Memorial Park, nahuli sa Paranaque City @dzbb pic.twitter.com/WCNu7EBqmE
— Luisito Santos (@luisitosantos03) March 9, 2018
Naaresto ng Parañaque City police ang umanoy nagnakaw ng gold-plated na urno ng Pinay banker na natagpuang patay sa Amerika Biyernes ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Dionesio Layson, 30 anyos, dating caretaker ng Manila Memorial Park.
Ayon kay Police Senior Inspector Gerry Sunga, hepe ng investigation division ng Parañaque City police, nahuli ang suspek matapos ang isinagawang follow up operation sa Manila Memorial Park pasado alas-9 kagabi.
Inutusan pa raw ang suspek ng kanyang mga kasamahan na magnakaw ng ibang abo para ipalit sa nawalang abo sa urn ni Maria 'Pipie' Cruz sa Manila Memorial Park pic.twitter.com/jHyOJxulQp
— Luisito Santos (@luisitosantos03) March 9, 2018
Kuwento ng suspek, inutusan lang siya ng kasamahang sina alyas "Louie" at alyas "Marvin" na ibenta ang ninakaw na urno mula sa mosuleo ng pamilya cruz.
Wala na raw laman ang urno kung saan nakalagak ang mga abo ni Mary "Pipie" Cruz nang ibenta nya ito kasama ang isa pang bakal na urn sa isang junk shop sa Barangay C.A.A.-B.F. International sa Las Piñas City sa halagang 1,900 pesos.
Inutusan pa raw siya ni "Louie" na kumuha ng ibang abo sa loob ng sementeryo para ipalit sa abo ni Pipie para makuha ang reward money mula sa pamilya Cruz.
Samantala, nagsasagawa ng follow-up operations ang mga tauhan ng Parañaque pulis laban sa dalawa pang kasabwat ng suspek at sa junk shop na pinagbentahan ng urno.
Si Pipie and Pinay na nabalitang nawawala noong 2003.
Taong 2004 nang matagpuan siyang patay na nakasilid sa maleta na nakabaon sa loob ng abandonadong bahay sa New York. — Luisito Santos of Super Radyo's dzBB/BAP, GMA News
