Isang kotse ang nagtuloy-tuloy sa ilog matapos nitong masira kongkretong bakod sa isang bahagi ng New De Venecia Highway sa Dagupan City nitong Miyerkules.
Ayon sa ulat ni Alfie Tulagan sa "24 Oras", magpapagaling ang motoristang si Glenn Velasco sa ospital. Tubong Calasiao ang biktima.
"Stable na po 'yung driver natin. Base sa medical record, nakainom. Positive," sabi ni Chief Inspector Marcos Anod, deputy chief of police ng Dagupan City.
Pasado alas-10 ng umaga nang maiahon sa ilog ang sasakyan ni Velasco. —NB, GMA News
