Nasawi ang isang 22-anyos na lalaki matapos siyang barilin umano ng dati niyang kasama sa kulungan sa Talisay, Cebu.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing naganap ang insidente sa Barangay Lawaan III, at nakitang walang buhay sa damuhan at may tama ng bala sa leeg ang biktima.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng binaril siya ng dating kasama sa bilangguan dahil sa onsehan sa ilegal na droga.
Patuloy ang paghahanap sa suspek na sinampahan na ng reklamong murder.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
