Kuha sa CCTV ang lalaking nakipagbuno sa isang guwardiya sa Pedro Gil Station ng LRT 1, ayon sa ulat sa Saksi.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), lasing ang lalaki nang magtangkang pumasok sa LRT at inagaw pa niya ang baril ng gwardiya.
Naaresto ang lalaki nang kuyugin ng iba pang gwardiya.
Palalala ng LRMC, hindi pinapayagang sumakay ng LRT ang mga pasaherong lango sa alak. — BAP, GMA News
