Pumanaw na ang beteranong aktor na si Bing Davao sa edad 65, pagkumpirma ng pamangkin niyang si Rikki Mae Davao nitong Sabado.
“He passed away early this morning from a cardiac attack,” mensahe ni Rikki sa isang mensahe sa GMA News Online.
Si Bing ay kapatid ni Ricky Davao, ama ni Rikki Mae. Pumanaw naman si Ricky noong Mayo.
Kabilang sa mga proyekto ni Bing ang "Victor Magtanggol," "The Rich Man's Daughter," at marami pang iba. — Jamil Santos/VBL GMA Integrated News

