Damang dama ng ilang Kapuso stars ang Kapaskuhan sa kanilang mga kakaibang disenyo at theme ng kanilang Christmas trees.

Sa Chika Minute report ni Athena Imperial sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, ipinasilip ang pag-decorate ni Gabbi ng kaniyang classic red tree, na kakulay ng mga puso at halos mapuno ng Christmas balls.

Damang dama ang Christmas magic dahil sa pine cones at candle lights.

Full of fur love naman ang Christmas tree naman ni Max Collins dahil sa mga ornament nitong stuffed animals at white roses.

Contrast din sa white theme ang red Christmas balls.

Ayon kay Max, ito ang naisip niyang theme dahil mahilig sa animals ang kaniyang anak.

Aesthetic naman ang Christmas tree ni Nadine Samonte ba maliban sa Christmas balls, may mga nakasabit ding toy collectibles. Sinamahan pa ito ng malalaking toy figures sa side na may gothic at cyberpunk look.

Finlex naman ni Rodjun Cruz ang isang golden Christmas tree kung saan golden glitter berry stamps ang nasa tuktok imbes na star. — Jamil Santos/VBL GMA Integrated News