Hinahangaan ng mga netizen ang kakaibang obra na ginawa ng isang babae matapos siyang gumamit ng mga dahon ng malunggay sa paglikha ng mga imahe.
Ang mga obra ay likha ni Mary Mae Dacanay na nagmula sa Biñan, Laguna.
Kabilang sa kaniyang mga ginawa ang Kapuso na si Jessica Soho, singer-songwriter na si Jose Mari Chan, international artist na si Ed Sheeran, at Korean heartthrob na na si Song Jong Ki.
Mga dahon daw ng malunggay ang naisip niyang gamitin sa kaniyang mga obra dahil bukod sa mura ito, maganda pa ang resulta ng kaniyang likha.-- FRJ, GMA News




