Isang 16 na taong gulang na dalagita ang ginahasa daw ng kanyang nakainuman sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa ulat ni Cesar Apolinario sa “24 Oras”, nagsumbong ang biktima sa women's desk ng QCPD Station 6 tungkol sa suspek na kinilalang si John Ferdinand Lancaon.

Ayon sa biktima, nakikipaginuman siya sa suspek nang bigla siyang nahilo.

Pinuntahan ng pulis ang bahay ni Lancaon dahil sa sumbong ng biktima, ngunit hindi naabutan ng pulis ang suspek.

Ayon kay Chief Inspector Sandie Caparrosco na spokesperson ng QCPD Station 6, nangako ang magulang ng suspek na isusuko ito sa mga pulis. —Llanesca T. Panti/NB, GMA News