Hinangaan ng mga netizen ang kabutihang-loob ng isang pulis sa Santiago, Ilocos Sur na nagbayad ng balance sa ospital ng isang pasyente, ayon sa ulat ni Victoria Tulad nitong Martes.

Sa isang Facebook post, ikinwento ni Anna Lodevico na narinig niyang nag-uusap ang isang lalaki at nurse tungkol sa P880 na bill ng hospital.

Nagkulang kasi ng P330 ang lalaki kaya nakikiusap siya na P500 muna ang kanyang ibabayad.

Nagkusa naman si Police Officer 1 Edward Mina na tulungan ang lalaki  at binayaran ang balanse ng hospital bill. —Joviland Rita/NB, GMA News