Umani ng papuri mula sa mga Kapuso ang walang kupas na galing sa pag-arte ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa hit primetime series na "Onanay."

Sa Starbites report ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyekules, sinabing damang-dama ng mga manonood ang madamdaming eksena ni Nelia, na ginagampanan ni Ate Guy, nang malaman niya ang pagkamatay ng kapatid na si Dante, na ginagampanan ni Gardo Versosa.

Bumuhos sa Twitter Philippines ang papuri sa acting ni Nora, na itinuturing ng ilan ng "one of TV's finest scene."

Bukod sa pilot episode ng "Kara Mia," second trending topic sa Twitter ang hashtag "OnanayKinatatakutan."

Panoorin ang naturang tagpo sa walang awang pagpatay ni Helena [Cherie Gil] kay Dante  sa "Onanay."


--FRJ, GMA News