Muling magkakasama-sama sina Camille Prats, Iya Villania, at Suzi Entrata-Abrera sa podcast na “Kami Ang Inyong Mga…” na magsisimula sa Abril 8.

“Ang reunion na matagal na naming pinlano at hinintay! Wait.. baka kayo din!” saad ng tatlo sa isang collaborative Instagram post.

Sa unang episode, tatalakayin nila ang mga naging pagbabago noon sa “Mars” hosting lineup, mula kina Camille at Suzi hanggang kina Camille at Iya.

“Ano nga ba ang mga naganap sa likod ng camera?” saad ng tatlo.

“Let’s get real at pag-usapan na yan! See you sa aming bagong MarsTambayan!”

Mapakikinggan at mapapanood ito via stream sa YouTube, Spotify, at Apple Podcasts

Napanood sa GMA ang “Mars" mula 2012 hanggang 2019, at naging host ng programa sina Camille at Suzi.

 

 

Hanggang sa nagkaroon ng pagbabago show na ginawang “Mars Pa More,” na kinabilangan nina Camille, Iya, at Kuya Kim Atienza. Natapos ang noong 2022. —Nika Roque/FRJ GMA News