Isang 16-anyos na dalagita ang umano'y ginahasa ng dalawa niyang mga kababata.
Ayon sa eksklusibong ulat ni Emil Sumangil sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing sumama ang dalagita sa kanyang dalawang kababata na lalaki na kanyang pinagkakatiwalaan.
Ngunit, ayon sa biktima,may pinainom sa kanya hanggang sa mahilo siya at hindi na makagalaw.
"Inaya nila ako. Nagtinawa ako sa kanila dahil alam kong wala silang gagawin na masama sa akin dahil katropa ko sila," pahayag ng biktma.
Dagdag niya, alam niya ang mga nangyari pero hindi siya makagalaw. Dun na umano siya ginahasa ng dalawa.
Nang mahimasmasan, umuwi siya kinabukasan at isinumbong sa kaniyang ina ang nangyari.
Nahuli agad ang mga suspek na mga menor de edad.
Ayon sa mga pulis, hawak nila ang CCTV footage kung saan makikita na magkasama ang tatlo bago mangyari ang krimen, at bukod umano sa testimonya ng babae, may iba pa silang mga witness.
Dahil sa mga menor de edad ang dalawa, dinala sila sa Manila Reception and Action Center at doon muna sila.
Naisampa na umano sa korte ang reklamo at desidido ang pamilya ng biktima na ituloy ang kaso. —LBG, GMA News
