Patay ang kambal na sanggol matapos maiwan sa loob ng sasakyan ng kanilang ama sa New York sa amerika.
Base sa imbestigasyon, pagkababa ng sasakyan ng ama ng mga kambal na isang taong gulang, agad na siyang dumiretso sa pinapasukang ospital.
Nakalimutan umano nito na nasa backseat ang kanyang mga anak.
Matapos ang walong oras na trabaho at nang pauwi na ang ama, doon lang niya naalala ang kanyang mga anak.
Agad daw humingi ng tulong ang lalaki pero wala nang buhay ang mga bata.
Heat exhaustion ang hinihinalang dahilan ng kanilang pagkamatay.
Mahaharap sa kaukulang reklamo ang ama ng mga bata. —JST, GMA News
