Patay ang isang truck driver matapos siyang madaganan ng container van sa isang warehouse sa Paco, Maynila nitong Linggo, ayon sa ulat ni Mav Gonzales sa Unang Balita nitong Lunes.
Dead on the spot ang biktimang si Rogelio Policarpio Jr., 44.
Ayon sa mga pahinante, nagbababa sila ng kargamento galing sa naka-park na container van nang unti-unti itong gumalaw at tuluyang tumagilid. Dahil dito, sugatan ang ilan sa siyam na pahinante.
Huli na ng nalaman ng mga pahinante na may tao pala sa ilalim ng container van. Inangat nila ang likurang bahagi ng container van pero huli na para mailigtas ang biktima.
Iniimbestigahan na ng Homicide Section ng Manila Police District ang aksidente. —KBK, GMA News
