Sa edad na tatlo, nawalay na si Angelito Sabater sa kaniyang ina dahil sa hindi pagkakaintindihan nito sa kaniyang tatay, kaya hindi na rin niya nakakapiling ang nakababatang kapatid na babae.

Sa social media na lamang sila nakakapag-usap ni Analiza na huli niyang nakita apat na taon ang nakararaan.

Panoorin sa programang Tunay Na Buhay ang madamdaming pagkikita ng mag-aama, at ang kanilang pangakuan sa isa't isa.

Dahil walang mga kamay at paa, inamin ni Nonoy na hirap siyang abutin ang ilang mga bagay sa bahay, lalo na ang mga kailangang linisin.

Ipinakita naman ni Nunoy ang kaniyang talento sa pagguhit, kung saan inilarawan niya ang kaniyang dream house para sa kanila ng kaniyang tatay Antonio.

— Jamil Santos/DVM, GMA News