Isang 31-taon gulang na trainee ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang isinugod sa ospital matapos sumailalim sa training, ayon sa ulat ni Allan Gatus sa Dobol B sa News TV nitong Lunes.

Kinilala ni BFP spokesperson Jude delos Reyes ang trainee na si Fire Trainee Jonsen Samia.

Ayon kay Delos Reyes, ilang araw nang nilalagnat si Samia kaya isinugod siya sa Delos Santos Hospital nitong Sabado. "Severe infection disease" daw ang tumama sa pasyente.

Agad namang nilinaw ni Delos Santos na hindi hazing ang dahilan kung bakit naospital si Samia.

Kasalukuyang inaalam pa kung nagkasakit si Samia dahil sa training. —KBK, GMA News