Hulicam ang ginawang panghahablot ng gamit ng isang lalaki sa mga pasahero ng isang jeep sa gitna ng traffic sa Rizal, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.
Sa kuha ng dashcam, makikita ang lalaking kaswal na naglakad sa kalsada papunta sa nakatigil na jeep. Maya-maya, may sinikwat siya sa loob ng jeep at saka tumakbo.
Hindi malinaw kung ano ang tinangay ng salarin.
Sa bilis ng pangyayari, napatingin na lang ang mga pasahero.
Pinaghahanap pa ang na-hulicam na salarin. —KBK, GMA News
