Isang retiradong sundalo ang hinangaan sa Dumalinao, Zamboanga del Sur, matapos niyang isauli ang napulot niyang pera, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Nakalagay ang perang nagkakahalaga ng P107,000 sa isang bag na napulot ni retired Second Lieutenant Honesto Tosoc.

Napulot daw ni Tosoc ang pera sa Barangay Sibucao at agad na dinala sa police station.

Dahil may nakitang ID sa loob ng bag, mabilis na natawagan ang may-ari nito kaya naisauli ang pera.

Lubos naman ang pasasalamat ng may-ari ng pera kay Tosoc. —KBK, GMA News