Dalawang lalaki ang nasawi matapos sumalpok sa poste ng kuryente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa San Jacinto, Pangasinan.
Sa ulat ni Jasmine Gabriel Galban sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente madaling araw nitong Linggo.
Ayon sa pulisya, lumabas sa imbestigasyon na pauwi na ang mga biktima nang mangyari ang trahediya.
Sharp curve umano ang kalsada sa pinangyarihan ng insidente at nawalan ng kontrol ang rider sa motorsiklo kaya sumalpok sa poste.
Hindi na sila umabot nang buhay sa ospital.
Labis naman ang padadalamhati ng mga naulilang kaanak ng mga bikitma, na galing umano sa pinuntahang kainan. – FRJ GMA News
