Inihayag ng pamahalaan ng Japan nitong Biyernes na tataas nang limang beses ang singil para sa single-entry visa ng mga dayuhan-- na mula 3,000 yen (o humigit-kumulang ₱1,170) ay magiging hanggang 15,000 yen (mga ₱5,850)-- para sa mga aplikasyon na magsisimula sa Hulyo 1.
“At today’s ministerial meeting, a decision on the partial revision of the ordinance on visa fees and related charges was made,” sabi ni Foreign Minister Toshimitsu Motegi sa isang press conference.
Tataas din ang singil para sa multiple-entry visa mula sa 6,000 yen (mga ₱2,340) na magiging hanggang 30,000 yen (humigit-kumulang ₱11,700).
Nauna nang sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya, na pinag-aaralan ng Japan ang mga hakbang upang gawing mas madali ang paglalakbay ng mga Pilipino patungo sa kanilang bansa.
“Actually, this is one of the most frequently asked questions asked of me. Our embassy has been making steady efforts to improve and streamline the application processes,” ayon kay Endo.
“We will continue to explore what further improvements and arrangements may be possible going forward,” dagdag niya.
(Ang mga halagang nasa piso ay batay sa tinatayang palitan na ¥1 = ₱0.39.)
— Lyjah Tiffany Bonzo/FRJ GMA News

