Ibinahagi nina Rere Madrid at Kai Sotto nitong Lunes na magkakaroon na sila ng anak.

Sa joint Instagram Reel ng dalawa, makikita sa mga video ang naging reaksyon ng kanilang mga mahal sa buhay sa pagbubuntis ni Rere, pati na rin ang mga kuha mula sa kanilang mga checkup, at ang lumalaking baby bump ni Rere.

“For a while, we’ve been living in our own little world. Holding onto a secret that made every day feel like an adventure,” saad ng mag-asawa sa caption.

“We're having a baby!!!” dagdag nila. “Our greatest adventure is just beginning, and you’re already the best part of it."

Nagpaabot naman ng pagbati sa dalawa ang ilang celebrity, kabilang ang kapatid ni Rere na si Ruru Madrid, ang aktres na si Ashley Ortega, at iba pa nilang mga tagasuporta.

Ikinasal sina Kai at Rere sa Neri's Secret Garden sa Alfonso, Cavite noong huling bahagi ng Mayo.

Sinabi ni Kai na pinakasalan niya, "not just the love of my life, but my best friend, my peace, and my forever."

Opisyal na isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon sa GMA Gala noong 2024. —Nika Roque/FRJ GMA News