Hindi umano nakapag-ambag sa pag-angat ng water level sa Angat Dam sa Bulacan ang sunud-sunod na nagdaang mga bagyo, ayon sa PAGASA.

Nagbagsak ng sobra-sobrang ulan sa mga bagyong nagdaan kamakailan sa mga probinsya ng northern Luzon, kabilang na ang Cagayan at Isabela na naapektuhan ng mga bagyong Quiel at Ramon.

Pero kulang na kulang ang ulan na dala ng mga bagyo sa Angat Watershed sa Bulacan sa Gitnang Luzon.

Ayon sa mga hydrologist ng PAGASA, 15 centimeters ang ibinababa ng libel ng tubig sa Angat Dam kada araw.

Samantala, ayon sa PAGASA, dalawang bagyo na lamang ang maaaring tatama sa bansa sa taong 2019, at dapat ang dalawang ito ay dadaan sa Central Luzon.

Patuloy nabumababa ang libel ng tubig sa Angat Dam, kung saan kinukuha ang mahigit 90 porsyento ng pangangailangan sa tubig ng Metro Manila.

Pahayag sa Unang Balita ni Chris Perez, senior weather specialist ng PAGASA, "what we need is storm intensity na tatawid sa Central at Southern Luzon, at hindi kabagalan ang pagkilos, at least 62 kilometers ang lakas pag ganun.

Mula pa umano sa bagyon Jenny noong Agosto, wala pa raw ibang bagyong nagdala ng sapat na ulan sa Angat Watershed, ayon  sa PAGASA. —LBG, GMA News