Arestado ang isang negosyante dahil sa reklamong sextortion na isinampa ng nakarelasyon niyang may asawa, ayon sa eksklusibong ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.
Nakikipaghiwalay na raw ang business partner at naka-relasyon ni Carlo Trinidad, pero nagbanta ang salarin na ilalabas ang hawak niyang maseselang video at litrato kapag tuluyan itong nakipaghiwalay.
Hiningi pa ng suspek na ibalik ng complainant ang kanyang mga iniregalong gadget o kaya bayaran na lang ito.
Nahaharap ang suspek sa reklamong robbery extortion, violence against women, at grave threats.
Itinanggi ng suspek ang mga paratang. —KBK, GMA News
