Nag-viral si Kuya Kim Atienza matapos niyang imbitahan ang isang netizen-- na humihingi ng paumanhin sa kaniyang mga magulang -- na maging bisita niya sa GMA show na “TiktoClock.”
"Mama, Papa, hindi ko na po kaya. Sorry po," saad ng netizen sa Threads.
Bigla namang nag-reply si Kuya Kim at inimbitahan siya ang netizen na manood sa studio ng “TiktoClock,” na isa siya sa mga host.
"Watch Tiktoclock live next week as my guest," pag-imbita ng Kapuso host.
"Ill wait for you, OK," dagdag ni Kuya Kim.
Umani na ng 20,000 likes ang sagot ni Kuya Kim, at nagkaroon ng mahigit 200 komento. Kabilang ang tugon mula sa orihinal na nag-post na nagsabing, “It’s really heart breaking to feel this."
"I would love to see you Kuya Kim as you served as one of my favorite people," dagdag niya, kasabay ng pagtanggap niya sa imbitasyon ni Kuya Kim.
Sinabi rin niya na naging instrumento ang TV host sa pagpili niya ng kaniyang career bilang isang guro.
"Your vast knowledge about things inspired me to become a teacher. I watched your TV hosting and your trivia. I can say that you inspired people a lot," anang netizen.
Hinangaan din ng iba pang netizens ang ipinakitang malasakit ni Kuya Kim para sa kapuwa.
Marami rin ang pumuri sa ginawa ni Kuya Kim sa pag-aalala niya sa kapuwa.
"I appreciate you Kuya Kim," saad ng isang netizen.
"Kuya Kim, we love and appreciate you," sabi naman ng isa pa.
"You're a good man Kuys. I'm thankful that people like you exist in this world, especially you," ayon naman sa isa pang nagkomento.
Nagluluksa pa rin si Kuya Kim sa pagpanaw ng kaniyang bunsong anak na si Emman sa edad na 19.
Mula nang mangyari ang trahedya sa kanilang pamilya, itinataguyod ni Kuya Kim ang adbokasiya na magpakita ng kabutihan at malasakit sa kapuwa. — FRJ GMA Integrated News
_2026_03_06_15_25_26.jpg)