Bibigyan umano ng tig-P2,000 na ayuda mula sa Makati City government ang 5,952 duly registered tricycle drivers sa lungsod sa loob ng unang dalawang linggo ng enhanced community quarantine kaugnay sa pag-iingat laban sa coronavirus disease o COVID-19.

Sa pahayag, sinabi ni Makati Mayor Abby Binay na ibibigay ang ayuda dahil hindi makapapasada ang mga naturang driver sa panahong umiiral ang community quarantine.

"We empathize with the plight of our tricycle drivers who are now unable to earn for the daily subsistence of their own families due to the suspension of public transport operations nationwide,” anang alkalde.

“The tricycle drivers will be informed of the mechanics of distribution shortly,” dagdag ni Binay.

May hiwalay din umanong financial assistance na ibibigay ang lokal na pamahalaan para sa mga jeepney driver. Bukod pa rito ang nakalatag umanong programa ang Makati para sa mga residente na matinding tatamaan ng community quarantine.

“I continue to urge everyone to stay at home. Please cooperate and allow us to do our job so we can all see an end to this crisis,” panawagan ng alkalde.--FRJ, GMA News