Dati nang kasabihan na kapag may krisis, mayroon ding oportunidad. Kaya ang virtual wealth coach na si Chinkee Tan, nagbigay ng top 10 business na puwedeng gawin online na tiyak daw na kikita.

Sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," ginawang halimbawa ni Chinkee ang number sa kaniyang listahan tungkol sa isang tao na namuhunan lang umano ng P1,000 at pagkaraan lang ng wala pang 45 araw, ang benta niya, umabot sa P2 milyon.

Alamin kung anong negosyo ang tinutukoy ni Chinkee, at ang iba pang kuwento ng mga sinuwerte sa negosyo lalo na ngayong nagkaroon ng lockdown. Panoorin ang video.


--FRJ, GMA News