Isang 4-anyos na bata ang ginahasa at pinatay sa Caloocan City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Suspek sa krimen ang 17-anyos na kapitbahay na siya raw huling nakitang kasama ng biktima.

Ayon sa ina ng biktima, naglalaro lang sa labas ng bahay ang bata nang bigla itong nawala. Sa sobrang pag-aalala, humingi ng tulong ang ina sa barangay officials.

Di kalaunan, nakita ang bangkay ng bata na tinabunan ng mga dahon sa likod-bahay.

Inamin ng suspek na ginahasa at pinukpok niya sa ulo ang biktima. —KBK, GMA News