Natangayan ng P77,000 ang isang customer sa isang tindahan sa Quezon City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.
Inakala raw ng biktimang si Ruel Magura na empleyado ng tindahan ang lalaking lumapit sa kaniya habang siya ay bumibili ng materyales kaya inabot niya rito ang pera.
Ngunit nang kukunin na ni Magura ang binili niyang materyales ay sinabi raw ng may-ari na hindi pa siya bayad. Ayon sa may-ari, akala niya magkaibigan ang suspek at ang biktima.
Tinutugis na ng mga pulis ang salarin. —KBK, GMA News
