Plano ng pamahalaan na isagawa sa unang linggo ng Pebrero ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa mga batang edad lima hanggang 11, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, hinihintay na lamang ng pamahalaan ang pagdating ng mga inorder na Pfizer doses na para sa naturang age group.

“Ang tinitignan nating date, earliest first week of February, maumpisahan natin ‘yung pagbabakuna ng ating 5 to 11,” sabi ni Cabotaje sa Laging Handa briefing nitong Biyernes.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng dumating ang first tranche ng mga naturang bakuna sa katapusan ng Enero o unang linggo ng Pebrero.

“We have to understand there is a global shortage of these 5 to 11 years old na bakuna coming from this manufacturer, kaya nagkakaroon ng allocation per country sila ngayon,” paliwanag ni Vergeire.

“Hopefully, ‘yung commitment nila that they will provide us by the end of January until first week of February with the initial tranche for our vaccines [ay matuloy],” dagdag niya.

Nitong huling bahagi ng Disyembre 2021, nang aprubahan ng Food and Drug Administration ang emergency use authorization para sa Pfizer vaccine na para sa edad 5 hanggang 11. —FRJ, GMA New