Suspendido ang Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o ang number coding scheme sa Holy Week.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), walang number coding na ipatutupad simula sa Holy Tuesday hanggang sa Good Friday.

 

 

"Automatic na lifted ang modified number coding scheme tuwing," ayon sa tweet ng MMDA.

Ang number coding ay umiiral mula 5 p.m. hanggang 8 p.m. para maibsan ang bigat ng daloy ng trapiko tuwing afternoon rush hour. —FRJ, GMA News