Nagsimula nang makita sa mga lansangan ng bayan ng Mulanay, Quezon ang mga Senturyon. Taon- taon itong ginagawa ng mga kalalakihang namamanata.

Lunes-Santo karaniwang nagsisimula ang kanilang pagbibihis Senturyon na tatagal hanggang Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

Bawat isa sa mga sumasali ay may kani-kaniyang panata sa pagtupad ng pagiging Senturyon. Bahagi rin ng panata ng Senturyon ang pag-aayuno ng buong Semana Santa.

Bago at matapos ang pag-iikot sa bayan ay nagkakaroon sila ng sama-samang pagdarasal. Lahat ng pangunahing lansangan ay sinusuyod ng mga Senturyon.

Taon-taon daw ay parami nang parami ang sumasama sa kanilang pamamanata.  Nagiging maagang uamno ang kanilang pamumuhay sa pamamanata.

Kabi-kabila na rin ang mga tahanan na mayroong Pabasa o Pasyon. Pinipilit ng mga taga-Mulanay na hindi mawala ang ganitong tradisyon. --Peewee C. Bacuño/FRJ, GMA News