Hindi na umabot ng Pasko ang isang 25-anyos na construction worker na natagpuang patay at may mga saksak sa leeg at katawan sa Malinao, Aklan.
Sa ulat ni Darwin Tapayan ng Super Radyo Kalibo sa Super Radyo dzBB nitong Miyerkoles, sinabing nakita ang biktima ng mga residente na nakalublob sa baha sa Barangay Bigaa kaninang madaling araw.
Isinugod pa siya sa ospital pero idineklara ng mga duktor na dead on arrival.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang biktima mula sa dinaluhang Christmas party nang mangyari ang krimen.
Construction worker, patay sa pananaksak sa Brgy. Bigaa, Malinao, Aklan; tatlong persons of interest, hawak na ng pulisya. | via Darwin Tapayan, Super Radyo Kalibo pic.twitter.com/bJak4yvIvV
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 24, 2025
Tatlong persons of interest ang hawak na ng pulisya habang patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng salarin. – FRJ GMA Integrated News
