Nasunog ang bodega ng isang barangay hall sa Valenzuela City, kung saan nakaimbak ang kanilang relief goods at mahahalagang dokumento.

Iniulat ni Corinne Catibayan sa Unang Balita nitong Biyernes na pasado alas-nueve, Huwebes ng gabi nang sumiklab ang sunog sa barangay hall ng Barangay Lawang Bato.

Dumating naman umano agad ang mga bumbero.

Kwento ng barangay captain, stockroom ng barangay ang nasunog.

Mabuti na lamang umano at hindi natupok ang lahat ng relief goods at mga mahahalagang dokumentong na nasa kwarto.

Wala naman umanong naiulat na nasaktan sa insidente.

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog —LBG, GMA News