Inanunsyo ng Petron Corp. nitong Martes na tataas ng ₱20 kada kilo ang presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG) tank simula sa Abril 1, 2026.
Dahil dito, tataas ng ₱220 ang presyo ng karaniwang 11-kilong tangke ng LPG.
“This reflects the international contract price of LPG for the month of April,” saad sa pahayag.
Batay sa datos ng Department of Energy (DOE), ang presyo ng isang 11-kilo LPG tank ay nasa pagitan ng ₱818.62 at ₱1,128.62 noong Marso 2026.
Nagbabala naman ang LPG Marketers Association (LPGMA) noong nakaraang linggo na maaaring umabot ng hanggang ₱1,500 ang presyo ng isang LPG tank sa Abril dahil sa pagtaas ng gastos sa shipping bunsod ng limitadong access sa Strait of Hormuz, dahil sa kaguluhan sa Middle East — Ted Cordero/FRJ GMA News
