Kung ang trainer na si Freddie Roach ang masusunod, hindi na niya gustong lumaban pang muli sa ring ang kaniyang dating alaga na si Manny Pacquiao.

Ayon kay Roach na naggiya kay Pacquaio para maging eight-division champion, wala nang dapat pang patunayan ang tinaguriang Pambansang Kamao ng Pilipinas.

“I think he’s finished [with boxing]. I don’t think he has anything more to prove. He’s done everything he can, I feel. He doesn’t owe anything to anybody. If he does wanna come back and fight again, I hope he picks me as his trainer,” sabi ni Roach sa boxingscene.com.

ADVERTISEMENT

“He likes going to different cities. He brings his family and his wife with him. He likes to travel. He’s doing something he enjoys. His wife doesn’t want him to fight anymore, from what I hear. If he calls me and asks me, I’ll tell him, ‘You don’t need to prove nothing to anybody in the world,’” pahayag pa ng beteranong trainer.

Nagretiro si Pacquiao, 43, noong nakaraang taon matapos matalo kay Yordenis Ugas. Kasabay ito ng paghahanda niya sa pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Roach, bukod sa wala nang kailangang patunayan pa si Pacquiao sa boksing, ayaw na rin umano ng asawa ng Pinoy boxing legend na si Jinkee, na lumaban pa itong muli.

“If he’s willing to come back, I’d like to help him and wish him the best of luck. But his wife and everyone doesn’t want him to come back,” ani Roach.

“There’s a lot more people that feel he doesn’t need to come back. What does he have to prove? He’s already been there,” dagdag niya.

Sa kaniyang pagreretiro, tangan ni Pacquiao ang boxing record na 62-8-2 na may 39 knockout bilang professional fighter.

Una rito, iniulat na babalik sa ring at muling lalaban si Pacquiao sa Disyembre para sa isang exhibition match kontra sa South Korean martial artist at Youtuber na si DK Yoo.—FRJ, GMA News