Isang lalaki ang nasawi matapos malunod sa gitna ng family reunion sa Davao del Sur.

Nakilala ang biktima na si Subaldo Beleganio na taga-Kidapawan City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Nangyari ang insidente sa Dagat Beach nitong Sabado.

Kuwento ng anak ng biktima, nakita niya ang kanyang ama na tila inatake sa puso habang naliligo sa dagat.

Hindi na naisalba ang biktima dahil malalim ang tubig.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit ito'y dead on arrival. —KG, GMA Integrated News