Nagbahagi si Marian Rivera ng maikli ngunit makabuluhang mensahe para sa kaniyang mister na si Dingdong Dantes kaugnay ng selebrasyon ng Father's Day.
Ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen sa Facebook ang larawan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong na may cake sa harap nito at binati siya para sa espesyal na okasyon para sa mga ama.
"Thank you for being the best dad to Zia and Sixto and for loving our family so wholeheartedly," saad ni Marian.
"Watching you as a father is one of the greatest blessings of my life," dagdag niya. "We love you more than you know."
Kamakailan lang, nagtungo ang mag-asawa sa Canada upang mag-shooting ng kanilang bagong pelikulang "Remember."
Ang "Remember" ay joint project ng Star Cinema, Agosto Dos Pictures, at APT Entertainment—ang mga kompanyang nasa likod ng blockbuster movie na "Rewind."
Noong Disyembre, ipinagdiwang nina Dingdong at Marian ang kanilang ika-11 anibersaryo bilang mag-asawa. Kasama nila ang kanilang mga anak na sina Zia at Sixto sa isang beach resort sa El Nido, Palawan.—Nika Roque/FRJ GMA News

