Nasawi ang isang gunrunner umano matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Antipolo, Rizal.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang suspek.

Nabawi ng pulisya ang dalawang baril, ilang bala at wallet sa salarin.

Bukod sa pagkasangkot umano sa gunrunning, nahaharap din sa reklamong frustrated homicide at serious physical injury sa Quezon City ang suspek. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News