Nagpasiklab ng performance sa kaniyang 18th birthday party si Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso 4th Big Placer Princess Aliyah sa isang hotel sa Pasay City.

Sa Chika Minute report ni Athena Imperial sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing binalikan ni Princess ang kaniyang month-long planning para sa kaniyang espesyal na araw.

"Habang nagte-taping nga po, since parang everyday palagi akong may ganap, hinahanapan ko po talaga siya ng time kasi po, siyempre, gusto ko na ako ang mamili ng color, invitation. Ako rin ang magse-send. Wala po talagang tulog," ani Princess.

Nagsilbi ring reunion ng kanilang PBB batch ang pagdiriwang.

Kasama sa 18 roses ang male PBB housemates, habang 18 shots naman ang PBB girls.

Kasama sa debut entourage ang ilang GMA executives na dumalo, sa pangunguna ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes at Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo.

Natupad pa ang pangarap ni Aliyah na naging mini-concert niya ang pagdiriwang.

Highlight sa kaniyang performances ang debut single niya na “Amba.” —Jamil Santos/VBL GMA News