Nasagip ang isang reticulated python o sawa na natagpuang nakahalo sa mga stuffed toy sa isang ukayan sa Dumaguete.
Batay sa impormasyon GMA Regional TV, na iniulat sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, mapanonood sa video ang pagsagip ng mga kawani ng BFP sa ahas.
Tinatayang nasa apat hanggang limang talampakan ang haba ng sawa at may bigat na halos tatlong kilo.
Sinabi ng BFP na naunang napansin ng isang customer na may makinis na bagay sa kahon ng mga ibinibentang stuffed toys.
Nai-turnover na ang sawa sa DENR. —Jamil Santos/VBL GMA News
