Patay ang isang 46-anyos na babae sa Caloocan City matapos umanong saksakin ng kanyang live-in partner nitong Linggo.

Ang suspek, patay din matapos umanong magsaksak sa sarili, ayon sa ulat ni Luisito Santos sa Super Radyo dzBB.

Nangyari ang insidente sa Phase 4, Package 6,  Barangay 176.

Nakilala ang biktima na si Julieta Española samantalang ang suspek naman ay kinilalang si Edgardo Mananquil, 50-anyos.

Ayon sa mga tauhan ng barangay, bandang 8:30 nang umaga nang madiskubre ng anak ang mga bangkay sa inuupahang bahay ng mag-live-in partner.

Kuwento ng mga kapitbahay, laging nag-aaway at nagsisigawan ang mag-live-in partner dahil sa matinding selos ng lalaki. —KG, GMA Integrated News