Sinaksak ng isang lalaki ang kanyang kaibigan sa Maynila ng dahil umano sa utang na matagal nang hindi nababayaran.

Sa ulat ni Darlene Cay sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nangyari ang pananaksak sa Barangay 823, Paco, Maynila.

Sinaksak ng suspek na si Samuel Bajeta ang kanyang kaibigan na si Guilmer Villanueva na nooy nagpapahangin lamang sa labas ng bahay.

Agad na tumakas ang suspek, pero nahuli ring ng mga pulis.

Naisugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa dibdib, at nagpapagaling na.

Ayon sa mg pulis, tatlong buwan pa lang umanong nakalalaya ang suspek matapos makulong dahil sa iligal na droga.

Inamin naman ng suspek na siya nga ang sumaksak sa kanyang kaibigan. 

Aniya, apat na beses na umano niyang siningil ang kanyang kaibigan sa utang na P3,000. Pero tila binabalewala raw siya.

"Ganun, paulit-ulit ang ginagawa niya. Yung pang-lima, ako na po ang pumunta. Tapos, paglapit ko, sinabi kong, 'ano?' gumanun din siya 'ano rin?' Kaya po nag-init ang ulo ko,"pahayag ng suspek.

Handa umano niyang panagutan ang kanyang ginawa, dagdag ng suspek. —LBG, GMA Integrted News