Nasawi ang isang 42-anyos na magsasaka nang suwagin ng kaniyang alagang kalabaw na maghapon niyang pinag-araro sa Las Navas, Northern Samar.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nangyari ang insidente sa sakahan sa Barangay San Andres.

Sinabi ng pulisya na matinding init ang posibleng dahilan kaya naging agresibo ang hayop.

Hindi nagbigay ng pahayag ang pamilya ng magsasaka. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News