Timbog ang dalawang Chinese dahil sa pangingidnap umano sa isang babaeng Chinese rin sa Quezon City.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabi ng National Bureau of Investigation na humingi ng tulong sa kanila ang kasintahan ng biktimang Chinese matapos humingi umano ng P500,000 na ransom ang mga suspek.
Nasagip ng mga awtoridad ang biktima sa isinagawang entrapment operation.
Natuklasan din ng NBI na nakakuha pa umano ng mahigit P800,000 ang mga suspek mula sa biktima.
Hindi nagbigay ng pahayag ang mga suspek, na mahaharap sa kaukulang reklamo. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
