Isang mananaya ang nanalo ng P109.5-milyong Superlotto 6/49 jackpot nitong Linggo ng gabi, Pebrero 23, 2025.
Sa live broadcast ng the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang lumabas na kombinasyon ng mga numero sa Superlotto 6/49 ay 40-34-32-26-21-12.
Mayroon itong kabuuang premyo na P109,545,674.80.
Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58, na ang lumabas na mga numero ay 54-36-22-04-31-45.
Umabot naman ang premyo nito sa P102,591,752.00.
Para sa resulta ng iba pang resulta ng lotto draw, i-click ang link na ito. -- FRJ, GMA Integrated News

