Sinabi ni Pangulong Volodymyr Zelenskiy ng Ukraine na handa niyang iwan ang kaniyang posisyon kung ito ang magdudulot ng kapayapaan sa kaniyang bansa, at maging sa pagpasok ng Ukraine sa NATO.
"If [it means] peace for Ukraine, if you really need me to leave my post, I am ready," saad ni Zelenskiy sa press conference nitong Linggo na tila may pagkainis nang tanungin kung handa ba siyang iwan ang kaniyang posisyon kung kapayapaan ang magiging kapalit.
Dagdag pa niya, "I can exchange this for NATO [membership], if that condition is there, immediately."
Una rito, iginiit ni US President Donald Trump na dapat magkaroon ng eleksyon sa Ukraine. Tila tinawag pa niyang "diktador" si Zelenskiy na limang taon na sa puwesto na dapat natapos noong 2024.
Tinutulan ni Zelenskiy na magkaroon sa kanila ng eleksyon sa harap ng digmaan nila sa Russia.
Sinuportahan naman ito ng mga pangunahin niyang kalaban sa pulitika.
Sinabi rin ni Zelenskiy na nais niyang maging maging "partner" ng Ukraine si Trump, higit pa sa pagiging tagapamagitan lang nila sa Russia.
"I really want it to be more than just mediation... that's not enough," dagdag pa ng pangulo. — mula sa ulat ng Reuters/FRJ, GMA Integrated News
