Naglabas ng impeachment primer ang University of the Philippines (UP) College of Law na nakasalin sa wikang Filipino, Cebuano, at Ilocano. Kaugnay ito sa mga madalas na katanungan o frequently asked questions (FAQs) tungkol sa impeachment.
Ayon sa UP Law, ang mga pagsasalin ay inihanda ng mga estudyante at alumni ng Kolehiyo at pinondohan ng Malcolm Foundation, sa hangaring mabigyan ng sapat na impormasyon ang publiko sa isang mahalagang usapin.
Unang inilabas ng Kolehiyo ang primer sa wikang Ingles noong nakaraang buwan, Kasunod ito ng ginawang pag-impeach ng Kamara de Representante kay Vice President Sara Duterte noong Pebrero 5, 2025.
Ang pagsasalin ay inihanda ni Assistant Professor Paolo Tamase at ng kaniyang grupo na naglalayon din na mabigyan ng mga pangunahing impormasyon ang media, publiko, at mga opisyal hinggil sa mga proseso ng impeachment.
Maaaring makita ang primer at FAQs tungkol sa impeachment process sa sumusunod:
English: https://uplaw.ph/impeachmentprimerandfaq
Filipino: https://uplaw.ph/impeachmentprimerfilipino
Cebuano: https://uplaw.ph/impeachmentprimercebuano
Ilocano: https://uplaw.ph/impeachmentprimerilocano
Una rito, inilabas ni Senate President Francis "Chiz" Escudero ang paunang timetable para sa prosesong ipatutupad sa impeachment trial ni Duterte, na inaasahang sisimulan sa July 30.— mula sa ulat ni Giselle Ombay/FRJ, GMA Integrated News

